
F o l l o w and S p r e a d Love ♥♥
BOREDOM STRIKES AGAIN. ಠ__ಠ
FIRST swimming ko with classmates. Naenjoy ko ng sobra, na parang nalimutan ko lahat ng problema tapos parang nawala sa isip ko na may ROBIN. hahaha, ang emjoy lang sobra. Sana maulit. :((( Hays. Next time dres. :*
Agreed.
Eto yung lalaking laging ginugulo ako. Siya yung isang salot sa buhay ko. Si Robin siya yung tipo ng tao na wala ng ginawa kundi mang asar. Masama ugali pero tapat sa Diyos. Mayabang pero magaling mag basketball. Si Robin yung taong ginawa ni God para lang kainisan ko. Siya yung dinala sa mundo para manggulo. Pero bakit ganito? Ang gulo lang. Marami talagang bagay na dumadating sa buhay ng isang tao ng di mo naman inaasahan. Yung tipong isang araw lang na akala mo normal, may isang pangyayaring magaganap na pwede maka bago ng isip mo. Katulad ng isa, dahil dun.. Minahal ko siya. Ang weird nga eh. Kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh wala naman kaming ginawa kundi mag murahan, sakitan, kulitan. HAHAHA. Marami nag sasabing may Chemistry kami. (why don’t we try biology kaya? LOL .__.) Ayoko, ayoko maniwala. Kasi baka umasa lang ako sa mga salita nila. Ang HIRAP kaya. Nung sa camping nga, edi nag aayos ako para sa skit. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong “medyo” yinakap mula sa likod, tapos sabi niya pa “uy, samahan mo sa taas!” gabi na yun eh. Syempre umayaw ako, tapos hinawakan niya ‘ko sa bewang, tapos biglang sabi niya “sus, gusto mo naman! ;)”. SUPER INIS ko nun, pero dahil nakatingin ako dun isa kong tropa na nakakaalam nung nararamdaman ko eh sobra yung titig niya kay Robin. Kinagabihan pinaalala ko sa tropa ko (Danesa) Yung nangyari nga, nagulat nga ako nung sinabi niya na “Karla, magiging prangka na ‘ko sa naramdaman ko kanina. KINILIG ako” so si ako na natawa lang. Sabi niya ulit “Kasi kung nakikita mo lang yung itsura niya, parang ang saya niya.” tumatak sa utak ko. Sumaya ako. Halos di nga ‘ko nakatulog nun eh. PAHIRAPAN. PERO BASTA, HINDE AKO AASA. =)) SUSUBUKAN KO. KAHIT MALA KO SIYA, HINDENG HINDE AKO AASA.
Finally, nakauwi din mula sa napaka corny naming camping. Nakakapang init lang ng ulo eh. Buti na lang may isang lalaking yinakap ako mula sa likod tapos kinukulit ako. At hawak niya ako sa bewang na para siyang tanga. HAHAHA. Anyways, CAMPING mula 1ST year hanggang 3RD year. Amazing diba? Tae, mejo magulo lang naman. Partida ang dami namin pero nag end yung camping nga mga10? Odiba? Pero nung kami kami lang na batch eh mga 2-3 na kami natatapos. Dafuq. Sana next year kornihan pa nila. Kainis, ang sarap mang kutos. Tapos dagdag pa yung hinayupak na skit namin si Scouting, leshe, plantsado na yung plano tapos biglang ganun? Nagkaka gaguhan kami sa harap ng buong highschool. Nakakapang-galit, pero buti na lang medyo namanage ko sarili ko. SIYA kasi eh. Napangiti niya ako. Hahaha. LANDI ko. Sorry naman. Hayaan ko na lang, tapos na eh. :”>